Tagboard
Wednesday, August 20, 2008
Day off
Kung ang househelper eh may day off, ang boy ay may day off.. ang med student tulad ko ay meron din.. oo, iniisip kong day off tong araw na to.. katatapos lang ng first shifting examination namin kahapon. At ngayon ay official start ng second shift.. ngunit, subalit, datapwa’t nawalan kami ng pasok dahil sa bagyo.. salamat KAREN! Sa umpisa ng micro ay biglang nag announce na suspended na daw ang klase. Ayun, nakauwi din naman ako bago mag tanghali. Naisip ko kagad, mag dvd marathon! Ang tagal ko na nga rin palang di nakakanood ng dvd ah. Pero mas ninais ko palang mag general cleaning ng aking kwarto sapagkat ilang linggo na din ang nakalipas ng di nalilinis ang kwarto ko or nawawalisan man lang. oo nakakadiring imaginin.. ako din noh! Isama mo pa ang napaka gulong gamit na nakakalat sa kung saan saang bahagi ng aking maliit na kwarto. Ika nga eh start the shift right.

Masarap sa pakiramdam dahil kahit walang pasok eh wala pa din akong iniisip na aralin. Isa to sa mga masasabi kong relaxing situation!

Hay, sana nga ay maging maayos na ang aking sarili… magtulolu-tuloy n asana ang motivation at inspiration na nararamdaman ko ngayon para ibigay ang best ko at bumawi! Sabi nga nila, FIGHT lang ng FIGHT!

May mga bagay din akong nilu-look forward sa mga susunod na araw, na buwan, at sana ay maging bahagi na sya ng aking systema. Matagal ko na kasi hinahanap ang landas kng saan may ginagawa ako sa labas ng mundo ng pag-aaral ng medicine.. sympre, ngayon ay pinagdadasal ko pa na sana nga eh magkaron na ng kasatuparan… =)

Basta, maging POSITIVE lang.. at maging motivated at focused sa lahat ng gagawin!!!! Masasabi ko lang, Masaya ako, at satisfied.. sana pangmatagalan… =)

+ + =